CAMEO Philippines

English UK

  • Ang CAMEO Pilipinas ay nagkakaloob sa mga gumagamit ng isang sistema ng klasipikasyon na may mataas na antas ng pagtatangi-tangi ayon sa demograpiya at heyograpiya, para sa pagbabalangkas, pagpapangkat-pangkat at pag-tatarget ng merkado ng konsyumer sa Pilipinas.

  • Nilikha gamit ang pinakabagong Sensus ng Pamahalaan ng Pilpinas at ipinaabot sa hanay ng Barangay, binibigyang-kapangyarihan nito ang mga mamimili na masuri ang mga katangian ng mga lokal na komunidad, kaugnay ng lipunan-ekonomiya at demograpiya.

  • Binuo mula sa maraming iba’t ibang salik na may kaugnayan sa demograpiya at heyograpiya, kabilang na ang:

    • Edad ng Bata at Matanda
    • Dami ng mga Tao sa Sambahayan
    • Migration o Pangingibang-pook
    • Relihiyon
    • Ethnicity o Kinabibilangang Lahi
    • Mga Kuwalipikasyon
    • Konstruksyon ng Gusali
    • Kalagayan ng Pagkukumpuni ng Gusali
    • Taon kung kailan Itinatag
    • Tenure o Haba ng Panahon
    • Floorspace ng Gusali o ang Nasasakop Nito

  • Gumamit ng mga subok nang makabagong teknik ng pagmomodelo upang makita at matukoy ang isang mapangangasiwaang dami ng mga kumpol ng komunidad: 43 na uri ng sambahayan na inorganisa sa 9 na pangunahing grupo.

  • Ang mga kumpol na ito ay sinuri na at napatunayang:

    • Homogenous o magkakatulad sa kanilang pagkakagawa
    • Nasa sapat na dami para sa praktikal na paggamit
    • Walang itinatanging mga tukoy na rehiyon sa heyograpiya nito

CAMEO Pilipinas – Koda at Deskripsyon ng Grupo

% ng mga Sambahayan

1

Mga May-kayang Mag-asawa at mga Binata’t Dalaga sa mga Eksklusibong Kapitbahayan

12.50%

2

Mga Mayayamang Kapitbahayan na Malapit Nang Magretiro o Kasalukuyan Nang Nagsasaya sa Kanilang Pagreretiro

8.98%

3

Mga Komportableng Pamilya sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar na Pang-Ehekutibo (Executive Rural Areas)

16.98%

4

Mga Komportableng Halo-halong Sambahayan sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar

14.36%

5

Mga Sambahayang Hindi Gaanong May-kaya na Mas Nakatatanda at Retirado

11.85%

6

Mga Sambahayang Hindi Gaanong May-kaya na Mas Bata

6.12%

7

Halo-halong mga Sambahayan na Hindi Gaanong May-kaya

12.49%

8

Kapitbahayan ng mga Mas Mahihirap na Pamilya

8.81%

9

Mga Komunidad ng mga Mas Mahihirap sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar

7.92%



  • May isang talahanayang madaling masasangguni, kung saan mayroong buod ng mga pangunahing katangian ng bawa’t grupo at kategoriya, kaugnay ng demograpiya at lipunan-ekonomiya.

  • Ang CAMEO Pilipinas ay magagamit sa:
    • Pagpapalawak at paghihiwa-hiwalay ng mga naipong datos tungkol sa mga konsyumer o consumer database
    • Pag-unawa ng inyong mga kustomer at mga tumutugon sa inyo, sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng katangian o profiling
    • Paghahanap ng mas marami pang mga prospek sa pamamagitan ng paghahanap ng mga “look-a-likes” o “kawangis”, gamit ang direktang pagpapadala ng sulat sa mga tukoy na target, pagkakanbas o canvassing sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at pagbabahay-bahay, at pamimigay ng mga polyeto o leaflet
    • Pagsusuri ng catchment area o lugar na pagtatapunan ng tubig at ng lokasyon
    • Pagpili mula sa mga listahan ng pinadalahan ng sulat, tinawagan sa telepono o pinuntahan nang bahay-bahay
    • Pag-unawa ng potensiyal ng merkado at magamit ito sa isang estratehikong pagpaplano, pagtatakda ng pinupuntiryang benta at pagsusuri ng pagkagawa sa site o lugar
    • Pagsasagawa ng makabagong pagsusuri gamit ang istatistika, at pagmomodelo

Mag-klik dito para ma-download ang pdf ng aming talahanayan na mabilis ninyong masasangguni, upang matulungan kayong maintindihan nang mas detalyado ang CAMEO Pilipinas...>>